Ayon sa mga naitalang kusilba ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas, ilang libong taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negrito o Ita, ang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga isla. Sa kasalukuyan nang sumapit ang ikalawang milenyo, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga migrante mula sa Tangway Malayo, kapuluan ng Indonesia,mga taga Indotsina at Taiwan.
Nanirahan sa bansa noong ika-walong siglo ang mga mangangalakal na Tsino. Ang paglaganap ng mga bansang(kaharian) Budismo sa rehiyon ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Indonesia, India, Hapon, at Timog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na kompetisyon at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ng Islam sa pamamaraan ng komersyo at proselitismo, tulad ng Kristiyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at misyonero sa rehiyon; ang mga Arabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na siglo. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes (Ferdinand Magellan) noong 1521, mayroon nang mga raha hanggang sa hilaga ng Maynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga isla ng Pilipinas noon.
Sinakop at inangkin ng mga Kastila ang mga pulo noong ika-16 na siglo at pinangalanan itong "Islas Filipinas" na isinunod kay Haring Felipe II. Kaagad na ipinakilala at pinalaganap ang Katolisismo sa pamamagitan ng mga misyonero, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga grupong katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Moro na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong siglong pananakop, bunga na rin ng pag-aabuso at kakulangan ng reporma. Pinamahalaan mula sa Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ay Mehiko) ang bagong teritoryo at nagsimula ang kalakalan sa Galeon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 siglo o dantaon.
Itinatag ni Gobernador José Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Economic Society of Friends of the Country, "Samahang Pang-ekonomiya ng mga Kaibigan ng Bayan") at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Nueva España.
Nagbukas ang ekonomiya ng bansa sa mundo noong ika-19 siglo. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burgis, binubuo ng mga edukadong katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng kolonyalismong Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa Kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-samang sila sumigaw para sa kalayaan. Inaresto, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan [na ngayo'y Luneta] dahil sa mga akto umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim na rebolusyonaryong lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng himagsikan ang mga Kastila noong 1898.
Noong taong ding yon, magkadawit ang Espanya at Estados Unidos sa Digmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga kolonyang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-deklara na ng kalayaan ang Pilipinas.
Ang pagtanggi ng Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Sa wakas, ipinagkaloob noong 1946 ang kalayaan pagkatapos ng maikling pananakop ng bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pagkatapos ng huling pagkatalo ng bansang Hapon noong 1945. Ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945.
Taon ng pagbawi at muling pagbangon pagkatapos ng giyera ang mga sumunod na taon, ng karahasan sa sibilyan dulot ng diktadurang Ferdinand Marcos na napatalsik noong 1986, at ng patuloy na suliraning dulot ng komunista at separatistang Moro.
ah ok
ReplyDeletebfg nnfg
ReplyDeleteThanks for the answer ♥♥
ReplyDeletekdot
ReplyDelete